KARUNUNGANG BAYAN

Comments · 407 Views

KASAYSAYAN NG UNANG TULA SA MATANDANG PANAHON HANGGANG SA PANAHON NG KASTILA

Marami pag-aaral na ang nagpatunay na ang paghabi at pagbigkas ng tula ay likas na sa ating mga ninuno. Bahagi na ito ng kanilang pamumuhay. Ang ibang maiikling tula ay sariling likha ng mambibigkas ng tula at iyong iba ay nagaya lamang dahil naisaulo ito. 

Sinasabing ang mga Tagalog ay mayaman sa maiikli at mahahabang tula bago pa man tayo nasakop ng ibang bansa. Sa katunayan, naisatitik ang maikling tugmang ito sa ilang aklat tulad ng Vocabulario de la Lengua Tagala nina Padre Juan de Noceda at Pedro San Lucas (1754) kung saan natagpuan dito ang matulaing pagpapahayag gaya ng bugtong at kawikaan. 

Comments