IBONG ADARNA

Comments · 188 Views

ANG KAHALAGAHAN NG IBONG ADARNA SA KASALUKUYAN

PATULOY NA PINAG-AARALAN ANG IBONG ADARNA HINDI DAHIL ITO AY KINAKAILANGAN LAMANG NA PAG-ARALAN. 

ITO AY MAHALAGA NA PAG-ARALAN SAPAGKAT ITO AY ISANG PAG-AARAL O PANANALIKSIK SA AKDA BATAY SA KUNG ANO ANG MAARI NATIN MAHINUHA. BAKIT NGA BA PATULOY ITO PINAG-AARALAN? ANO NGA BA ANG KAUGNAYAN NITO SA KASALUKUYAN ? 

Sa akdang Ibong Adarna ito ay sumasalamin sa kultura ng isang bansa, ito rin ay nagbibigay ng magagandang aral sa ating lahat lalo na sa mga mag-aaral. 

Marami tayong mapupulot na magagandang aral na maari natin gamit sa kasalukuyan. Ito ay mayroong kaugnayan sa kasalukuyan sapagkata ito ay sumasalamin sa mga nangyayari sa buhay ng isang tao. Halimbawa na lamang nito ay ang mga pagsubok na nararanasan ng isang tao sa tunay na buhay, katulad sa akda ay mayroong mga pagsubok na hinarap ang pangunahing tauhan sa kwento na kung saan ay maari natin mapulutan ng magandang aral. Marami man pagsubok ang dumating sa ating buhay ay huwag tayo susuko kaagad. Kagaya ni Don Juan ginawa ang lahat upang patunayan ang kanyang sarili at maging karapatdapat kay Maria Blanca. 

Comments
CHI CHIRYA 2 yrs

Karunungan ay tanglaw